Friday, July 02, 2004

Biyernes na naman

Ayan, isa na namang biyernes. Bilog pa ang buwan. Naku, ewan ko na lang kung magiging maganda ang araw na ito. Nung mga ilang makaraang taon, kapag bilog ang buwan, nagiging mas eksiting and buhay ko. Ngunit napuna ko na yung mga huling kabuwanan, hindi masyadong mabilis o nakalulungkot kapag bilog ang buwan. Sana ang araw na ito ay maging matahimik at hindi magulo.

Naku, lumabas na ang araw. Mainit ngayon sigurado ito. Sabagay, namakalamig naman dito nitong huling mga araw.


Ingat mga kaibigan. Kuwentuhan ko na lang kayo mamayang gabi. Maligayang kaarawan kay Amerika. Ang aking tahanan.

No comments: