Friday, July 15, 2005

Jawbreaker, an office worker who belongs to the Middle Class

Apparently, this piece has been spreading in the Philippines. It was written by a member of the middle class. It critics the current socio-political landscape in the Philippines.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Galing sa isang ordinaryong manggawa sa Pilipinas
-------------------------------------------------

Walang kwenta ang Pilipinas

By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad
ng
tax...ever!)

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos,
pagbabatuhan
ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang
tigil
na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong
resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng
mga
partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, SILANG patuloy
na
pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang
silbi.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS,
MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN
NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX
EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI
NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang
masa! Mahalin ang masa!

MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG
PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO
BAWAS
NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG
MGA
PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla???!!!!

KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI
NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC
CONTRIBUTION,
SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA
BUHAYIN
ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong
maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit
lang
sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya
ko
at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal
sa
Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na
tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa
Mini-Stop
sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta,
eh
di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako
ng
sarili kong bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt
na
mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong
i-budget
ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury
cars
pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba
galing
ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa
mga
manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung
umasta
kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA
TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng
katawan.
Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na
nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa
Pinas.
Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao,
pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA
KAYO
SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya
nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo
lang,
nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo
pa
rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin,
gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung
ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal
nila
ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI
KAYO
MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA
KAYONG
GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN NA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD
NG
BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA
PA
KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN
NYO.
MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA
NEGOSYANTE
MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN.
MGA
BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin
ang
lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o
kaya
i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay
ang
mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral
sila
at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong
lider
na walang political ties at utang na loob sa kahit sino.

At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos
lang.
Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan,
pero
hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya.
Meron
daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para
dito.

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta
ang
Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang
panahon
na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga
magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang
na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na
magkaron
ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng
mga
taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung
dito
sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit
kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero
pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako
sa
bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng
tahimik at maayos.
Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh.
Doomed
to be jologs ang bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and
God
bless! Sana tama kayo at mali ako.

No comments: